Installation View: Open Studio, 2026. Artist Silke Lapina. Project Space Pilipinas, Lucban, Philippines
Open Studio – Project Space Pilipinas
30 March – 5 April 2026
Artist Talk: Monday, 30 March, 14:00–15:00
After a month of research in Lucban, Silke Lapina opens her studio. The Open Studio shares a moment within an ongoing process.
Her work engages with words and objects, approaching language as something visual, carried, and active. Earlier works focused on reinterpreting holy scripture from the Abrahamic traditions. Here, the focus shifts towards a more personal connection to heritage. In Lucban, this connects to anting-anting in different forms, as object, as phrase, as something internal. Questions of inherited and carried language become more present. The use of Latin, often fragmentary or altered, relates to intention rather than correctness. Meaning can shift, while a certain force remains. This also resonates with growing up between languages, with German, English, and Tagalog existing alongside each other, Tagalog as an intimate, partly hidden language within a German household.
Within this process, attention moves towards dreams, perception, and experiences of nature. These are shaped by encounters, atmospheres, and states of awareness tied to this place. A sense of lived ambiguity runs through the process. Lucban, with its layered cultural influences and its connection between mountain and sea, makes this more tangible. The Open Studio marks a point of departure for work that will continue during the second residency in September and October 2026.
This residency was made possible as part of the Ateneo Art Awards 2025. I would like to thank the team at Project Space Pilipinas and Ateneo Art Gallery for making this possible.
Installation View: Open Studio, 2026. Artist Silke Lapina. Project Space Pilipinas, Lucban, Philippines
Makalipas ang halos isang buwang pananaliksik sa Lucban, bubuksan ni Silke Lapina ang kanyang studio bilang paanyaya para matunghayan ang nagpapatuloy na proseso ng kanyang paggawa. Ang Open Studio ay isang pagkakataon para sa panandaliang paghinto na maaaring magpakita ng punto at direksyon kung saan patuloy na hinuhubog ang mga likha. Ang sining ng paggawa ni Silke ay umiinog sa lalim ng ugnayan ng mga salita at bagay. Dito, itinatala ang lenggwahe bilang isang bagay na nakikita, dinadala, at may aking bisa.
Habang ang kanyang mga naunang likha ay nakatuon sa muling pagbasa at pag-unawa sa banal na kasulatan mula sa mga tradisyong Abrahamiko, ang ginawa niyang pagsisiyasat dito ay ang bahagyang pag-usad papaloob, patungo sa mas masinsin at personal na pakikipag-ugnayan sa usapin ng mga pinagmulan at pamana. Ito ay nagkaroon ng anyo dito sa Lucban, sa kanyang paglusong sa konsepto ng anting-anting, bilang buhay na bahagi ng kultura, bilang mga salitang may hiwaga, at bilang isang napakahalagang bagay na taimtim na pinanghahawakan ng tao sa kanyang kalooban.
Dahil dito, lumutang ang mga agam-agam hinggil sa usapin tungkol sa manang wika at wikang ating dinadala. Lumitaw din ang mga salitang Latin sa kabuuan ng mga likha niya, na madalas ay pinaghalo-halo o bahagyang binago, nang walang pag-alinsunod sa pagiging tama kundi sa pagiging angkop nito sa layunin. Gayundin naman, ang pagpapakahulugan sa mga ginamit na salita ay lumuluwag at patuloy na nagbabago, ngunit nananatiling isang uri ng puwersa.
May pag-alingawngaw ang ganitong sensibilidad dulot ng karanasang mamuhay at lumaki sa pagitan ng iba’t ibang wika, kung saan nagsasabay at nag-uuntugan ang wikang Aleman, Ingles, at Tagalog. Sa kabila nito, nananatiling taimtim ang pag-igkas ng wikang Tagalog, bagama’t bahagyang nakakubli ito sa loob ng isang tahanang Aleman.
At sa kalooban matapos ang paglalantad na ito, mababaling naman ang pansin sa mga panaginip, pananaw, at engkwentro sa kalikasan. Matutunghayan ito sa kapaligiran, sa mailap na estado ng kamalayan, at mga hibla ng lugar, kung saan naglalagi din ang kalabuan na nagdudugtong sa pangkabuang proseso. Marahil, ang hugis ng hiwaga’t kalabuan ng daigdig na ito, ay nagmumula rin sa mga lugar tulad ng Lucban, na bukod sa hinubog ito nang sapin-sapin na impluwensiyang pangkultura’t paniniwala, ay tahimik ding umiral at umiinog sa pagitan ng bundok at dagat.
Ang Open Studio ni Silke Lapina ay hindi isang pagtatapos. Ito ay isang punto ng paglikas bilang panimula para sa panibagong mga paglalakbay pang darating.